Naghiganti ang isang babae mula sa Haiti na pinatay ang mga miyembro ng kanyang pamilya ng criminal gang sa pamamagitan ng paglason sa 40 miyembro ng gang sa pamamagitan ng may lason na empanadas.

Matagal na ang madugo at marahas na street gangs sa Haiti, at maraming pamilya ang nakaranas ng mga trahedya sa kamay ng mga walang awa na mga kriminal.

Karamihan sa mga residente ay takot na lumaban dahil sa takot para sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Subalit, totoong may vigilantes sa Haiti.

Isang babae mula sa Kenscoff district ng Port-au-Prince, kabisera ng Haiti ang naging laman ng mga balita matapos na ang ginawa nitong massacre sa mga miyemro ng local gang na sinasabing sila ang responsable sa pagpatay sa maraming miyembro ng kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Isang nirerespetong naglalako ng pâtés, ang bersyon ng Haiti ng empanada, kamakailan inalok ng babae ang maraming miyembro ng gang ng libreng empanada bilang pasasalamat sa pagprotekta sa kanilang lugar.

Subalit sa katotohanan, naghihiganti siya laban sa mga tao na naghasik ng takot at pumatay sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Matagal nang nagtitinda ang babae, na hindi na kinilala para sa kanyang proteksion, kaya hindi siya pinagdudahan ng gang members, subalit sa isang pagkakataon, hinaluan niya ng industrial insecticide ang kanyang mga empanada.

Ilang minuto matapos na pagpistahan ang kanyang mga empanada, nakaranas ang mga kriminal ng matinding pananakit ng tiyan at pagduduwal.

Lahat sila ay namatay bago pa man sila madala sa pagamutan.

Dahil sa takot na balikan siya ng gang, umalis ang babae na isang magandang bagay na kanyang ginawa dahil sa sinunog ang kanyang bahay matapos ang ginawa niyang paglason sa ilang miyembro ng gang.

Ayon sa report, sumuko ang babae sa pulisya ng Haiti at inamin ang ginawa niyang paglason sa 40 na miyembro ng gang bilang ganti sa pagpatay sa mga miyembro ng kanyang pamilya.

Sinabi ng babae, mag-isa lang siya na nagplano at gumawa ng nasabing paglason.

Wala namang impormasyon kung nahaharap ang babae dahil sa kanyang pagpatay sa 40 kilalang mga kriminal.