Humingi ng pahintulot si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla kay Senate President Alan Peter Cayetano upang makapasok sa Senado kasama ang 30 pulis kasunod ng lockdown at mga putok ng baril na narinig sa loob ng Senate premises nitong Miyerkules.

Ayon kay Remulla, prayoridad nilang matiyak ang kaligtasan ng mga senador habang nagpapatuloy ang pag-secure sa gusali.

Kasabay nito, sinabi ni Senator Ronald dela Rosa na wala umanong balak arestuhin siya sa kabila ng isyu ng International Criminal Court warrant laban sa kanya.

Sa ngayon, wala pang natutukoy na suspek at wala ring naiulat na nasaktan sa insidente, ayon sa DILG chief.