Nakatakdang tumestigo ang limang dating tauhan ni dating Representative Zaldy Co sa bail hearing ni Leyte Representative Martin Romualdez sa Oktubre 12 kaugnay ng kinakaharap nitong plunder case.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, handa ang mga testigo na isailalim sa forensic examination ang kanilang mga cellphone upang suportahan ang alegasyon ng ₱7.4 bilyong kickback scheme mula sa mga proyekto ng pamahalaan.

Nananatili namang nakakulong si Romualdez sa Quezon City Jail, habang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Co kaugnay ng iba pa nitong mga kasong graft at malversation.