Umabot sa 57 bus operators ang pinadalhan ng notice of violation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa hindi maayos at delapidated na pasilidad.

Ito ay matapos simulan ng LTFRB ang malawakang inspeksyon sa mga bus at PUV terminal sa buong bansa.

Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II, 135 terminal ang unang nasuri, at karamihan ay hindi sumusunod sa basic standards tulad ng malinis na comfort room, proteksyon laban sa panahon, accessibility para sa senior citizens at PWDs, at kaligtasan ng pasahero.

Isa sa mga terminal ang binigyan ng cease and desist order, habang marami ang nakatanggap ng show cause order sa iba’t ibang rehiyon.

Binigyang-diin ng ahensya na ang layunin ng inspeksyon ay tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga komyuter, hindi ang pag-demand ng high-end facilities.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, magpapatuloy ang regular surprise inspections upang masiguro ang pagsunod ng mga terminal operator sa regulasyon.