
Dalawang pirma na lamang ang kinakailangan upang opisyal na maihain sa plenaryo ang partial report ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Senator Ping Lacson, pito na sa kinakailangang siyam na senador ang lumagda sa naturang ulat kabilang na sina Senators Lacson, Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, at Senate President Tito Sotto.
Sinabi pa niya na bagaman nirerespeto niya ang desisyon ng ibang kasamahan na hindi pa lumalagda, umaasa siyang mabubuo ang pirma bago ang adjournment ng Kongreso sa Hunyo 5 upang hindi mapunta sa archives ang imbestigasyon.









