Patay ang 73 refugees, kabilang ang 17 mga bata sa traffic accident sa western Afghanistan.

Karamihan sa mga biktima ay sakay sa bus na lulan ang Afghan migrants na dineport mula sa Iran.

Ayon kay Ahmadullah Mottaqi, director of information and culture ng Taliban sa Herat patungo ang bus sa Kabul, nang ito ay sumabog matapos bumangga sa isang truck at motorsiklo sa probinsiya ng Herat.

Sinabi niya na namatay ang lahat ng sakay ng bus, at dalawang iba pa mula sa isang sasakyan.

Ayon sa kanya, ang mga pasahero ay migrants na sumakay sa sasakyan sa Islam Qala, o ang bayan malapit sa Afghanistan-Iran border.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon naman sa pulisya ng Herat, nangyari ang aksidente dahil sa mabilis umano na pagpapatakbo ng driver ng bus.

Mahigit 1.5 million Afghans ang umalis sa Iran buhat noong Enero, ayon sa UN Refugee Agency.