
Personal na nagtungo si Isabela Police Provincial Office (IPPO) Director PCOL Manuel Bringas sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City upang bisitahin at kumustahin si PMSg. Jayson Acierto na kabilang sa mga sugatan sa madugong pamamaril sa Sto. Tomas, Isabela.
Kasabay nito, iniabot din ng IPPO ang financial assistance sa asawa nitong si Maricel Acierto bilang suporta sa pamilya ng pulis na nasugatan sa insidente.
Binisita rin ni Bringas si Margie Bautista, isa rin sa mga biktima ng pamamaril at hipag ng nasawing si PCpl. Frederick Bautista.
Samantala, nagbigay rin ng tulong-pinansyal ang IPPO kay Magelyn Allauigan, ina ng biktima.










