Hindi pinababayaan ng Department of Justice (DOJ) ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ang tiniyak ng kagawaran kung saan patuloy anilang nakatutok ang mga prosecutor para mapanagot ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at iba pang itinuturong nasa likod ng pagkawala ng mga ito ilang taon na ang nakalipas.

Una na kasing nagpahayag ng pagkabahala ang ilang kaanak ng mga sabungero na posibleng maapektuhan ang kaso dahil sa pag-amin ng abogado ni Ang na nagbigay sya ng pera sa ilang pamilya bilang tulong umano.

Sabi naman ni Justice Secretary Eric Vida, bukod sa testimonya ay mayroon din silang pinagbabatayaj na iba pang ebidensiya na maituturing umanong mas matibay.

Dati nang itinanggi ng kampo ni Ang na kapalit sa pag-atras ng kaso ang ibinigay nilang pera sa ilang kaanak.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap si Ang sa patung-patong na kaso sa mga korte sa Laguna at Batangas kabilang ang kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.