Patuloy na nakakapagtala ng serye ng pagyanig ang monitoring center ng Phivolcs sa Bolinao, Pangasinan mula pa nitong nakaraang araw.

Ayon sa ahensya, nasa halos 20 lindol na ang kanilang nairehistro sa nakalipas lamang na 48 oras.

Tinatawag ito ng ilan bilang earthquake swarm ngunit patuloy pang sinusuri ng Phivolcs kung pasok ito sa naturang kategorya.

Bagama’t mahihina lamang ang mga lindol, umaabot din minsan ng 3.4 at 3.7 magnitude na maaaring maramdaman ng mga tao o magpahina ng pundasyon ng ilang istraktura, lalo na kung magtatagal.

Wala pa namang reported damages at casualties sa nasabing lindol, base sa monitoring ng mga lokal na tanggapan.

-- ADVERTISEMENT --