Nabigo sa fuel marking field tests ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 78 sa 189 na fuel station na sinuri sa 10 revenue regions sa bansa hanggang Oktubre 13, 2026.

Katumbas ito ng 41.3 porsiyento ng kabuuang mga istasyong nasuri, habang 111 ang pumasa sa pagsusuri.

Dahil dito, nilagyan ng seal ang mga apektadong fuel pump at isinailalim sa karagdagang beripikasyon ang tinatayang 900,250.69 litro ng imbentong gasolina at iba pang produktong petrolyo. Pinangangasiwaan ng SGS Philippines ang independent third-party testing.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, patuloy nilang tutukuyin ang mga pinagmumulan ng produktong petrolyo na may kaugnayan sa mga nabigong pagsusuri, kabilang ang pagsasagawa ng karagdagang inspeksyon sa mga fuel depot.

Nilinaw naman ng BIR na ang pagkabigo ng isang fuel station sa pagsusuri ay hindi awtomatikong nangangahulugang hindi sumusunod sa mga regulasyon ang supplier nito.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi ang operasyon ng kampanya ng ahensiya laban sa ilegal na kalakalan ng produktong petrolyo at upang maprotektahan ang koleksiyon ng buwis ng pamahalaan.