
Inilabas ng Commission on Audit (COA) ang listahan ng mga Cabinet official na may pinakamataas na sahod noong 2025.
Batay sa 2025 Report on Salaries and Allowances ng COA, lumabas na si DOST Sec. Renato Solidum Jr. ang may pinakamalaking sahod kung saan nakatanggap siya ng kabuuang P6.66 milyon, pumangalawa si dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tumanggap ng P5.97 milyon, pangatlo si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na may P5.96 milyon, sinundan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may P5.49 milyon, Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may P5.2 milyon, at Health Secretary Ted Herbosa na may P5.16 milyon.
Ayon sa COA, layunin ng ulat na mabantayan ang sahod, allowances, at iba pang benepisyo ng matataas na opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga may hawak ng maraming posisyon sa iba’t ibang ahensya.










