
Nakatatanggap umano ang 911 emergency hotline ng gobyerno ng hanggang 500 na tawag araw-araw na may kaugnayan sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata.
Sa isinagawang DILG Kapihan forum, sinabi ni Executive Director Francis Fajardo na nakapagtala sila ng 5,000 na Violence Against Women and their Children-related calls nitong 2025.
Patunay aniya ito na mas maraming biktima ang lumalantad na at sa ipinapakitang 98% efficiency o response ng kanilang system.
Ani Fajardo, ang lahat ng VAWC-related cases ay maingat na hinahawakan nang may confidentiality at ipinoproseso alinsunod sa mga itinakdang response procedures.
Ayon naman kay National Barangay Operations Center Assistant Division Chief Lovesita Daumar, 97% o 40,831 na barangay ay maituturing na sumusunod o compliant sa five indicators ng VAWC desks.
Lahat ng VAWC desk ay may nakatalagang barangay VAWC officer.
Dapat umanong patuloy silang sanayin para mabigyang kapasidad sa inisyal na pagtugon para sa mga biktima ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata.




