Maghahain ang Office of the Solicitor General (OSG) ng tugon ng pamahalaan sa petisyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa laban sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos bigyan ng Korte Suprema ang gobyerno ng 72 oras upang magsumite ng komento kaugnay sa petisyon ng senador.

Ayon sa OSG, inaasahan nilang makapagsumite bago ang itinakdang deadline sa Mayo 16.

Kabilang sa mga respondent sa kaso ang Office of the Executive Secretary, Department of Justice, at Department of the Interior and Local Government.

Nauna nang humiling si dela Rosa ng temporary restraining order (TRO) laban sa ICC warrant ngunit hindi ito pinagbigyan ng Korte Suprema.

-- ADVERTISEMENT --

Inilabas ng ICC ang warrant kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng senador sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.