
Tinawag na “deeply alarming” at “highly suspicious” ng Akbayan Party-list ang naganap na insidente ng putukan sa Senado nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Akbayan, may mga pangamba na maaaring sinadyang gawing magulo ang insidente upang pagtakpan umano ang posibleng pag-alis o pag-iwas sa pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, o para maimpluwensiyahan ang desisyon ng Korte Suprema sa usapin ng TRO.
Naganap ang putukan sa gitna ng lockdown sa Senado kung saan nasa protective custody si dela Rosa dahil sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na nangyari sa insidente.









