
Mas pinili ni Vice President Sara Duterte na magpiyansa at humingi ng proteksiyon mula sa mga sibilyan kaysa manatili sa kustodiya ng pulisya kaugnay ng kasong grave threats laban sa kanya.
Ayon kay Duterte, pinayuhan siya ng kanyang mga abogado na mag-post ng bail dahil mas madali umano siyang mamomonitor at mapoprotektahan ng mga sibilyan kung mananatili siyang nakikita ng publiko, kumpara sa hiwalay na detention sa police custody.
Personal na nagtungo ang bise presidente sa Quezon City Hall of Justice kasama ang kanyang mga abogado, isang araw matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya. Iginiit din niya na hindi siya ligtas at nais niyang makasama ang media upang makita at mamonitor ang kanyang kalagayan.
Ang kaso ay kaugnay ng kanyang mga pahayag tungkol sa umano’y planong pagpapapatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Nauna nang sinabi ni Duterte na nakaranas siya ng harassment mula sa pamahalaan simula 2023.










