Naglaan ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC ng P187 milyon para sa insurance payouts ng 24,987 magsasaka na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Sakop ng payouts ang mga pinsalang naitala mula Agosto 1 hanggang 26 sa walong rehiyon.

Pinakamalaki ang matatanggap ng mga rice farmer na umabot sa P132.9 milyon, habang P42.1 milyon naman para sa high-value crops at P9.3 milyon para sa corn farmers.

Samantala, ayon sa Department of Agriculture, umabot na sa P4.13 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa mga weather disturbance, na nakaapekto sa mahigit 97,000 magsasaka at mangingisda.

Pinakamalaki ang pinsala sa palay na nasa P2.04 bilyon, habang umabot naman sa P1.37 bilyon ang lugi sa high-value crops at P412.84 milyon sa fisheries at aquatic resources.

-- ADVERTISEMENT --