
Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang kumakalat na dokumento na nagsasabing pinahintulutan siyang bumiyahe sa Laos, at tinawag itong gawa-gawa lamang.
Sa kaniyang pahayag nitong Martes, sinabi ni Duterte na walang kapani-paniwalang ebidensiya ang naturang dokumento at isa lamang umano itong desperadong hakbang upang siraan siya.
Giit ng bise presidente, hindi rin kinumpirma ng Office of the President ang sinasabing travel authority noong Setyembre 29, 2026.
Samantala, sinabi ni Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na dapat ay direkta na lamang na itinanggi ni Duterte ang dokumento sa halip na magbigay ng mahabang paliwanag.
Ayon naman kay House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, wala pang resulta ang mga imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng usapin.
Nauna nang nilinaw ng DILG na wala silang nakitang ugnayan ng mga nakumpiskang droga sa Laos sa pamilya Duterte.










