
Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi nangangahulugang kumakampi siya sa China ang pagtukoy sa Pilipinas bilang “troublemaker.”
Ayon kay Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ng Bise Presidente, may kaugnayan ang pahayag ni Duterte sa nasabat na ilegal na droga sa Laos na umano’y nakatakdang ipadala sa Pilipinas.
Sinabi ni Panelo na ginamit umano ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pahayag ni Duterte sa mga pahayag nito laban sa China.
Tinawag din ni Panelo na pamumulitika ang paggamit sa naturang pahayag sa usapin ng ugnayan ng Pilipinas at China.
Itinanggi rin niya ang mga alegasyong tumanggap ng pera mula sa China si Duterte at ang kaniyang asawang si Manases Carpio sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon.
-- ADVERTISEMENT --










