Makatatanggap ng ₱8,000 na pinansiyal na tulong simula Oktubre 30 ang mga aktibong miyembro ng Social Security System (SSS) na may buwanang salary credit na hindi lalampas sa ₱10,000, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, pinalawak ang saklaw ng mga benepisyaryo upang maisama ang mas maraming low-income na manggagawa. Dati, ang mga SSS member na may monthly salary credit na hindi hihigit sa ₱20,000 ang kabilang sa kwalipikadong tatanggap.

Bahagi ang ayuda ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transport o UPLIFT program, na naglalayong maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Samantala, sisimulan sa Nobyembre 6 ang pagkakaltas o paglalagay ng ikatlo at ikaapat na tranche ng tulong na nagkakahalaga ng ₱4,000 para sa mga benepisyaryo ng Group 2 at Group 3 sa kani-kanilang electronic wallet o SSS disbursement account.

Para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Group 2 na wala pang electronic wallet, isasagawa ang manual payout mula Nobyembre 2 hanggang 30, alinsunod sa abiso at iskedyul ng kanilang lokal na pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --