
Nasawi ang isang Indian tourist habang tatlo pa ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang helicopter sa Pheriche, Solukhumbu District, Nepal.
Kinilala ang nasawi na si Vasanth Kumar Balaramudu, na sakay ng helicopter ng Fishtail Air. Nangyari ang aksidente dakong alas-8:11 ng umaga habang kapwa nagtatangkang lumapag ang dalawang sasakyang panghimpapawid at nagkabanggaan ang kanilang mga rotor blade.
Kabilang sa mga sugatan ang isang turistang mula New Zealand at ang dalawang piloto. Agad silang isinugod sa Kathmandu para sa kaukulang gamutan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang sanhi ng banggaan.






