Sinimulan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang paghahatid ng tubig sa mga sakahan sa ilalim ng Iguig Alcala-Amulung Pump Irrigation System o IAAPIS bilang paghahanda sa Dry Crop Season 2027.

Minomonitor ng mga tauhan ng NIA ang distribusyon upang matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa mga magsasaka.

Kaugnay nito, tinalakay sa pulong ng IAAPIS Federation of Farmers Irrigators Association ang paghahanda sa bagong cropping season, kabilang ang posibleng epekto ng El Niño, paglilinis ng mga kanal at iba pang hakbang upang mapanatili ang maayos na operasyon ng irigasyon.

Dumalo sa pulong ang sampung Irrigators Associations sa pangunguna ni Federation President Reynante Pattung.

Nagbigay rin ang NIA ng mga update hinggil sa mga nakatakdang pagsasanay at programa para mapalakas ang kakayahan ng mga asosasyon.

-- ADVERTISEMENT --