
Tumanggi si Dean Ralph Sarmiento na humarap bilang unang testigo ng defense team ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Nobyembre 9.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Sarmiento na matapos ang masusing pag-iisip ay nagpasya siyang hindi na lumahok bilang testigo sa mga pagdinig.
Paliwanag niya, personal na desisyon ito upang mapanatili ang kalayaan ng kaniyang pag-aaral sa constitutional na batas at ang pagiging walang kinikilingan ng kaniyang mga legal na pananaw at opinyon.
Samantala, wala pang tugon ang depensa ni VP Sara hinggil dito.









