Ipagpapatuloy ng Department of Agriculture (DA) ang mga hakbang upang mapababa ang gastos sa produksyon at paghahatid ng pagkain kasunod ng pagtaas ng inflation sa 7.8% nitong Oktubre.

Kabilang sa mga ipagpapatuloy na programa ang subsidiya sa gasolina at toll fees, tulong pinansyal, pamamahagi ng farm inputs, crop insurance, at pagpapababa ng taripa sa mahahalagang sangkap ng pakain sa hayop, gaya ng mais.

Palalawakin din ng ahensya ang saklaw ng programang Benteng Bigas, Meron Na! upang mas maraming mahihirap na pamilya, senior citizens, solo parents at persons with disabilities ang makinabang sa murang bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahalagang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapababa ng gastos at pagtitiyak na sapat ang suplay mula sa mga lokal na magsasaka.

Bagama’t bahagyang bumaba ang food inflation sa 6.4% mula 6.8%, nanatiling pangunahing nag-aambag sa pangkalahatang inflation ang presyo ng bigas. Patuloy ding nakaaapekto sa produksyon at suplay ng pagkain ang mga pagbabago sa klima at sigalot sa iba’t ibang panig ng mundo.

-- ADVERTISEMENT --