Namumuro ang malakihang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa sunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy, posibleng umabot sa P14 ang rollback sa kada litro ng gasolina, P5 sa diesel at P5.20 sa kerosene.

Itutulak ang big-time oil price rollback ng posibleng pagtatapos ng sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran dahil sa resulta ng US Midterm Elections.

Nakabatay pa lamang ang pagtaya sa apat na araw na kalakalan sa pandaigdigang merkado.

Ibig sabihin, maaari pa itong mabago sa huling araw ng trading ngayong Biyernes.

-- ADVERTISEMENT --