
Walang nakikitang epekto sa suplay ng langis sa Pilipinas ang ipatutupad na export ban ng China, ayon sa Department of Energy o DOE.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, nag-check na ang ahensya sa mga oil company sa bansa at nakitang may sapat na suplay dahil sa kanilang mga long-term contract.
Sinabi rin ni Garin na nagpasya ang China na mag-ipon ng oil reserves matapos maibenta ang malaking bahagi ng kanilang stock noong nakaraan, lalo na sa gitna ng pangamba sa patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Gayunman, patuloy na mino-monitor ng DOE ang suplay at presyo ng langis sa bansa.







