Ipinatapon ng Bureau of Immigration ang 115 Chinese nationals na inaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na POGO sa Zamboanga Sibugay at Cubao, Quezon City noong Oktubre.

Sakay ang mga ito ng chartered flight patungong China matapos maglabas ng summary deportation orders ang BI Board of Commissioners.

Ayon sa BI, patuloy nilang paiigtingin ang operasyon laban sa ilegal na POGO, online scams at iba pang transnational crimes.