
Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Pangasinan na nasawi sa drone attack sa Saudi Arabia noong Oktubre 21.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), tinamaan ng bumagsak na debris mula sa isang na-intercept na drone ang biktima sa pag-atake sa pasilidad ng Saudi Aramco sa Shaybah oilfield.
Isinagawa ang repatriation sa koordinasyon ng OWWA at Department of Migrant Workers (DMW), kasama ang pamilya ng nasawi at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malasiqui, Pangasinan.
Tiniyak naman ng OWWA ang patuloy na tulong sa pamilya, kabilang ang financial, burial, educational at livelihood assistance alinsunod sa umiiral na mga patakaran.










