Patuloy ang pag-angat ng Filipina tennis star na si Alex Eala matapos umakyat sa ika-15 puwesto sa pinakabagong Women’s Tennis Association o WTA rankings, ang pinakamataas na ranggong naabot niya sa kanyang career.

Nakuha ni Eala ang bagong career-high ranking matapos makapasok sa finals ng 2026 Hong Kong Tennis Open, sa kabila ng pagkatalo sa American player na si Claire Liu.

Hindi na nasundan ni Eala ang magandang simula sa laban matapos siyang talunin ni Liu sa straight sets, 6-3, 6-0, habang kapansin-pansin din ang pagkakabalot ng kanyang kanang tuhod.

Gayunman, ikinatuwa ng 21-anyos na Pinay ang kanyang naging kampanya ngayong 2026, kung saan nasungkit niya noong Agosto ang kauna-unahan niyang WTA Tour title sa Washington.

Mula sa world No. 53 sa pagsisimula ng taon, malaking hakbang para kay Eala ang pag-akyat sa world No. 15 na aniya ay isa sa mga pangarap niyang ngayon ay nagkatotoo.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang babalik si Eala sa Pilipinas para sa Christmas holidays at nakatakda ring makaharap ang Indonesian tennis player na si Janice Tjen sa isang exhibition match sa Philippine Arena sa Disyembre 8.