Dumating sa Senado nitong Huwebes si online personality BP Inday Tasha, na kilala sa panggagaya kay Vice President Sara Duterte, habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban sa Bise Presidente.

Nakasalubong niya sa labas ng session hall si House prosecutor at ML Party-list Representative Leila de Lima matapos ang pag-adjourn ng paglilitis lampas alas-dose ng tanghali.

Pabirong sinabi ni Inday Tasha kay De Lima, “’Wag mo ‘ko i-impeachment, ma’am.”

Nang tanungin sa dahilan ng kaniyang pagpunta, sinabi niyang nakiki-CR lamang siya at nais ding bumati sa mga naroon. Hindi rin umano niya planong manood ng paglilitis.

Nagkaroon din siya ng pabirong sandali kasama si defense counsel at spokesperson Michael Poa, kung saan nagpa-picture sila habang nakalagay ang kanang kamay ni Inday Tasha sa dibdib.

-- ADVERTISEMENT --