
Inaasahang muling bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo kasunod ng malaking rollback ngayong linggo.
Batay sa paunang pagtaya, posibleng bumaba ng ₱4 hanggang ₱5 kada litro ang diesel at ₱3 hanggang ₱4 naman sa gasolina.
Iniuugnay ito sa pagluwag ng tensyon sa pandaigdigang merkado kasunod ng mga positibong kaganapan sa usaping diplomatiko.
Gayunman, nananatili ang pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay ng langis.
Ilalabas ang pinal na anunsyo ng oil price adjustment sa Lunes.
-- ADVERTISEMENT --










