Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang nasaktan sa 17 Pilipinong seafarer na sakay ng tanker na nakabanggaan ng isang luxury passenger vessel sa Mississippi River sa New Orleans, Estados Unidos.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ligtas ang lahat ng Pilipinong tripulante ng Marshall Islands-flagged tanker na Atlantic Asphalt sa insidenteng naganap noong Nobyembre 13.

Tiniyak ng ahensya ang pakikipag-ugnayan para sa ligtas na pagpapauwi sa mga seafarer at pagbibigay ng kinakailangang tulong.

Wala namang Pilipinong sakay ng passenger vessel na tumaob at lumubog matapos ang banggaan. At least 32 pasahero nito ang isinugod sa ospital, ngunit walang naiulat na kritikal ang kondisyon.