Nagtipon ang mga lider ng 11 bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa retreat session sa Coconut Palace sa Pasay City nitong Linggo, Nobyembre 15.

Kasunod ito ng pormal na pagbubukas ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Philippine International Convention Center.

Kabilang sa mga inaasahang pag-usapan ng mga lider ang pagpapatupad ng Five-Point Consensus sa Myanmar, na naglalayong wakasan ang karahasan at makamit ang mapayapang solusyon sa kaguluhan sa bansa.

Tatalakayin din nila ang mahahalagang usaping panrehiyon at pandaigdig, gayundin ang pagpapatibay ng ASEAN Leaders’ Review and Decision hinggil sa pagpapatupad ng naturang kasunduan.

Samantala, iniugnay rin ang kaguluhan sa Myanmar sa paglaganap ng mga scam hub sa mga border nito, na naging dahilan ng pagkakabiktima at trafficking ng daan-daang Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --