Inaasahan ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na magkakaroon na ng hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng kalagitnaan ng Disyembre.

Ayon kay Ridon, umaasa siyang matatapos ng kampo ng depensa ang paglalahad ng kanilang mga testigo sa una o ikalawang linggo ng Disyembre.

Batay sa pahayag ng depensa, mayroon pa silang walo hanggang sampung testigong inaasahang ihaharap sa paglilitis, kabilang ang apat na nakatakdang tumestigo ngayong linggo at apat hanggang anim pa sa susunod na linggo.

Sinabi rin ni Ridon na posibleng hindi na lumampas ng isang linggo ang natitirang panahon para sa presentasyon ng mga testigo ng depensa.

Samantala, kinumpirma nina Ridon at House prosecution counsel Atty. Benjamin Tolosa Jr. na natanggap na nila ang kahilingan ng kampo ni Duterte na magpalabas ang Senate impeachment court ng subpoena para sa apat na testigo na inaasahang haharap sa pagdinig sa Nobyembre 19 at 20.

-- ADVERTISEMENT --