
Tuluyan ng binawi ng Philippine National Police (PNP) ang lisenya ng baril ng isang vlogger dahil sa walang habas nitong pamamaril.
Ayon kay Police Brig. Gen. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police, na agad na tinungo ng Firearms and Explosives Office (FEO) at mga lokal na kapulisan ang bahay ng nasabing vlogger.
Inaayos na rin ng kapulisan ang pagsuko ng pitong baril nito.
Muling pinaalalahanan ni Co ang publiko na hindi puwedeng basta magpaputok ng baril maliban lamang kung mayroong rehistradong firing range.
Magugunitang ini-upload sa social media ng vlogger ang pamamaril nito sa fishpond nitong Nobyembre 14 na agad naman binura matapos na ito ay mag-vira.Bumili ng Planner
-- ADVERTISEMENT --










