
Iniulat ng Department of Education o DepEd ang insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa Banga, South Cotabato.
Sinabi ng DepEd na nakikipag-ugnayan na ito sa Schools Division Office, Regional Office, lokal na pamahalaan at law enforcement upang beripikahin ang mga detalye ng insidente at matukoy ang kinakailangang ayuda.
Tiniyak ng ahensya na pangunahing prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante, guro at school personnel.
Nakahanda rin ang DepEd na magbigay ng psychological first aid at mental health at psychosocial support sa mga naapektuhan.
Samantala, hinikayat ng ahensya ang publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
-- ADVERTISEMENT --









