Tumungo na sa Shenzhen, China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang dumalo sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting at isulong ang mas maraming oportunidad sa pamumuhunan at trabaho para sa mga Pilipino.

Sa kanyang departure statement, sinabi ng Pangulo na layunin niyang magbukas ng mga bagong merkado para sa produktong Pilipino, palakasin ang digital transformation at makahikayat ng mga pamumuhunang lilikha ng de-kalidad na trabaho.

Tiniyak din ni Marcos na isusulong niya ang pambansang interes sa pakikipag-usap sa China, kasabay ng paghahangad na mapalawak ang kalakalan, pamumuhunan at ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Nakatakda rin siyang makipagpulong sa mga lider ng Peru, Papua New Guinea at Chile sa sidelines ng summit.

Umaasa ang Pangulo na magbubunga ang kanyang pagdalo sa APEC ng mas maraming trabaho at mas maayos na access sa serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --