Nasawi ang isang 47-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa sinasakyang balsa habang tinitingnan ang kanilang lambat sa ilog sa Barangay San Roque, Enrile, Cagayan, nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Erickson Orje ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), tinangka pa siyang sagipin ng kaniyang anak ngunit tuluyan na siyang lumubog dahil hindi umano marunong lumangoy.

Narekober ang katawan ng biktima sa tulong ng mga diver ng Philippine Coast Guard matapos ang search and rescue operation kasama ang MDRRMO, PNP at BFP.

Kinumpirma rin ni Orje na ikalawang insidente na ito ng pagkalunod sa bayan ngayong taon.

Muling pinaalalahanan ng MDRRMO ang publiko na mag-ingat at iwasang magtungo sa mga ilog at lawa, lalo na kung tumataas ang lebel ng tubig.

-- ADVERTISEMENT --