
Mabilis na nakalusot sa plenaryo ng Senado ang P335.2 million budget ng Anti-Money Laundering Council.
Nilatag ni Sen. Kiko Pangilinan sa budget deliberation ang pondo na inilaan sa nasabing ahensya kung saan dinagdagan ng Senado ng P190.5 million mula sa P144.6 million ang pondo ng AMLC.
Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, kabilang sa pagagamitan ng pondo ng AMLC sa susunod ng taon ay pagpapalakas ng paggamit ng AI sa pagsusuri ng financial transactions.
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na nakita naman na malaki ang papel na ginagampanan ng AMLC para sa pagbibigay ng financial information.
Partikular na rito ang pagiging witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Bukod sa impeachment trial, kasama rin ang AMLC sa paghahabol sa POGO, pagtugis sa flood control at paglaban sa matinding korapsyon.










