
Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang naglalayong i-fix ang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials.
Ito ang inanunsyo ng Palasyo, ilang araw bago sana ang nakatakdang pagsisimula ng filing ng certificate of candiddacy (COC) sa Lunes, Sept. 28.
Sa Presidential Communications Office (PCO) press briefing sa Batac City, Ilocos Norte, kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na pinirmahan na ito ng pangulo.
Aniya, nakita raw ng mga kongresista, at ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng papel ng mga barangay officials.
Isa na raw rito ang pagmo-mobilize sa mga opisyales ng barangay para sa pagsugpo ng krimen.
Sila rin umano ang nangunguna sa pagresponde sa baha, at maging sa pagsasaayos sa pagtatapon ng basura.
Idiniin naman ng Palasyo na ang page-extend ng termino ay hindi para maging ‘hayahay’ ang kanilang mga buhay; kundi para raw sial ay magtrabaho.
Matatandaang hindi na pinagbangga ang panukalang Senate Bill 2387 sa bicam, dahil in-adopt na ito ng House of Representatives.
Sa ilalim ng batas, itatakda sa limang taon ang termino ng BSK officials; at dahil dito — ililipat ang susunod na BKSE mula sana sa Nov. 2 2026, papunta sa ikalawang Lunes ng November 2028.










