Patuloy ang mainit at dikit na laban ng Filipina tennis player na si Alex Eala kontra kay Magdalena Frech sa Round of 128 ng Italian Open.

Matapos ang dalawang set, tabla ang laban sa 1-1. Nakuha ni Frech ang Set 2 sa iskor na 6-3, matapos ding magpakita ng solidong laro sa baseline rallies at service games.

Sa kasalukuyang ikatlong set, kapwa nagpapalitan ng momentum ang dalawang manlalaro. Nakaangat si Eala, 5-4, sa gitna ng matinding depensa at agresibong shot placement mula sa kanyang kalaban.

Nagpalitan ng break at hold sa ilang bahagi ng set, dahilan para manatiling buhay ang laban at hindi agad makuha ang kalamangan ng sinuman sa dalawa.

Patuloy ang laban at inaasahang magiging dikit hanggang huling games ang sagupaan habang inaabangan kung sino ang uusad sa susunod na round.

-- ADVERTISEMENT --