Sa kabila ng maagang pagtatapos ng kanyang kampanya sa Canadian Open, nakikita pa rin ni Filipina tennis star Alex Eala ang mga positibong bagay mula sa kanyang naging performance sa torneo.

Aminado si Eala na nakaramdam siya ng pagod at pagkadismaya matapos talunin ni Swiss tennis star Belinda Bencic sa Round of 16, 6-4, 6-0.

Gayunman, sinabi ni Eala na naging maganda ang kanyang performance sa nakalipas na dalawang linggo, kung saan nalampasan niya ang ilang hamon at nakapaglaro nang maayos.

Mahalaga rin umano para sa kanya na nananatili siyang malusog habang nagpapatuloy ang hard-court season.

Matatandaang nagkampeon si Eala sa Mubadala DC Open bago tumuloy sa Canadian Open, kung saan nagpatuloy ang kanyang magandang momentum bago tuluyang maputol ang kanyang winning streak.

-- ADVERTISEMENT --