
Ipinag-utos ni Senate impeachment court presiding officer Sen. Francis Escudero ang pagtanggal sa flame effects na biglang lumitaw sa screen habang pinangungunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang panalangin sa pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes.
Ayon kay Escudero, hindi angkop ang naturang visual effects sa mga paglilitis kaya inatasan niya ang court clerk na ipatanggal at i-edit ito mula sa opisyal na records ng korte.
Humingi naman ng paumanhin ang Senate Public Relations and Information Bureau (PRIB) at ipinaliwanag na dulot ito ng hindi inaasahang technical issue sa livestream.
Tiniyak din ng PRIB na kasalukuyan nilang ina-upgrade ang mga kagamitan at sumasailalim sa retraining ang technical staff upang mapabuti ang kalidad ng kanilang broadcast coverage.








