
Sisimulan ni Filipina tennis player Alex Eala ang kanyang kampanya sa 2026 Italian Open laban sa world No. 45 na si Magdalena Frech ng Poland sa Round of 128.
Ang 20-anyos na si Eala, na maagang natanggal sa unang round ng parehong torneo noong nakaraang taon, ay umaasang makabawi at makausad nang mas malayo sa prestihiyosong WTA 1000 event.
Ito ang ikaapat na torneo ni Eala sa clay-court season ngayong taon.
Bago ang Italian Open, umabot siya sa Round of 16 sa Linz Open, Round of 32 sa Stuttgart Open, at Round of 64 sa Madrid Open kung saan natalo siya kay Elise Mertens.
Unang beses na magkakaharap sa WTA tour sina Eala at Frech.
-- ADVERTISEMENT --
Kapag nanalo si Eala, makakasagupa niya ang 31st seed na si Xinyu Wang sa susunod na round.










