Nakita si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia.

Ito ay base sa larawan na inilabas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngayong araw na ito.

Bagamat hindi malinaw kung kailan kinuha ang larawan, sinabi ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz na natanggap nila ang nasabing imahe mula sa isang concerned citizen na nakakita kay Guo na dumating sa Kuala Lumpur.

Sinabi ni Cruz na ito ay kumpirmasyon sa unang ulat na natanggap ng PAOCC mula sa kanilang counterparts na si Guo Hua Piny at lumipad patungong Indonesia bago nagtungo sa Kuala Lumpur.

Batay sa pinakahuling ulat, may indikasyon na lumapag sa Batam, Indonesia si Guo noong August 18, 2024.

-- ADVERTISEMENT --