Umabot sa P4.4 bilyon ang covered at suspicious transactions na naitala sa mga bank account ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang asawang si Manases Carpio, ayon sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.

Sa pagdinig sa impeachment trial ni Duterte, sinabi ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na ibinaba ang dating halagang P6.7 bilyon matapos itama ng isa sa mga bangko, ang BPI, ang ilang datos.

Sa P4.4 bilyon, nasa P1.63 bilyon ang inflows habang P1.3 bilyon naman ang outflows. Mayroon ding P1.4 bilyon na covered at suspicious transactions na hindi pa matukoy ang kabuuang inflows at outflows.

Ayon kay Buenaventura, nagkaroon ng pagbabago sa datos matapos itama ng isang covered person ang 13 covered transaction reports na sumailalim sa validation ng AMLC.

Samantala, sinabi rin ng AMLC na si Vice President Duterte ay naging subject ng 27 suspicious transaction reports mula Agosto 2024 hanggang Enero 2026, kaugnay ng mga alegasyon ng drug trafficking, graft and corruption, at malversation ng public funds and property.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi nangangahulugan ang pagkakasama sa suspicious transaction reports na napatunayang may paglabag, at patuloy ang paglilitis sa impeachment case.