Pormal na uupo bilang bagong punong ministro ng United Kingdom si Andy Burnham ngayong Lunes matapos magbitiw sa puwesto si Keir Starmer.

Bago ang pormal na pag-upo ni Burnham, naghain muna ng kanyang pagbibitiw kay King Charles si Starmer bilang bahagi ng proseso ng pagpapalit ng liderato sa pamahalaan.

Sa kanyang unang talumpati bilang prime minister, inaasahang ilalatag ni Burnham ang direksiyon ng kanyang administrasyon, kabilang ang pangakong “rewire Britain” o baguhin ang pamamalakad ng pamahalaan upang higit na matugunan ang mga pangunahing suliranin ng publiko.

Kabilang sa mga prayoridad ng bagong lider ang pagtugon sa mataas na gastusin sa pamumuhay, pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko, at pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

Isa rin sa mga unang hakbang ni Burnham ang pagbuo ng kanyang gabinete, kabilang ang pagtatalaga ng bagong finance minister na inaasahang magiging mahalagang katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, inaasahang haharapin din ng bagong administrasyon ang mga usapin sa pagbubuwis, paggasta ng pamahalaan, polisiya sa langis at gas, at reporma sa mga pampublikong utility company na nakararanas ng mga suliranin sa operasyon.

Si Burnham ang ikapitong punong ministro ng United Kingdom sa nakalipas na isang dekada.