Nagbitiw bilang miyembro ng Parliament ng United Kingdom si Reform UK leader Nigel Farage at inihayag na muli siyang tatakbo sa special election sa kanyang distrito sa Clacton.

Ayon kay Farage, nais niyang gamitin ang halalan upang labanan ang aniya’y “establishment” na umano’y nagsasagawa ng kampanya laban sa kanya dahil sa mga isyu tungkol sa kanyang pananalapi.

Kasalukuyang iniimbestigahan si Farage ng parliamentary standards watchdog kaugnay ng umano’y hindi niya pagdedeklara ng donasyong nagkakahalaga ng £5 milyon mula sa isang Thailand-based cryptocurrency billionaire.

Mariin niyang itinanggi ang anumang maling ginawa at iginiit na ang kanyang pagbibitiw ay bunsod na rin ng umano’y panghihimasok sa pribadong buhay ng kanyang pamilya.

Aniya, muli niyang hihingiin ang mandato ng mga botante upang ipagpatuloy ang kanyang kampanya laban sa mga tradisyunal na partido sa Britain.

-- ADVERTISEMENT --