
Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mahalagang ambag ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at Filipino migrants sa United Kingdom at nanawagan sa mga Pilipino na pairalin ang tapang at malasakit para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Sa kanyang pagbisita sa Filipino community sa London, sinabi ni Duterte na mahalaga ang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances.
Iginiit din niya na hindi dapat maging pangkaraniwan para sa mga Pilipino ang mangarap na magtrabaho sa ibang bansa, kundi dapat magkaroon ng sapat na oportunidad sa mismong Pilipinas.
Binatikos din ng bise presidente ang umano’y korapsyon sa pamahalaan, na aniya’y isa sa mga dahilan kung bakit napipilitang mangibang-bansa ang maraming Pilipino.
Samantala, wala pang pahayag ang Malacañang hinggil sa kanyang mga naging pahayag.










