Iniimbestigahan pa ang tunay na dahilan ng banggaan ng dalawang elf truck at canter double cab sa bayan ng Gattaran, Cagayan kaninang umaga na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng dalawang iba pa, pawang mga residente ng bayan ng Abulug.

Sugatan naman sina Jimmy Calimag, 45 anyos, residente ng Ilagan City, Isabela, driver ng elf, residente ng Ilagan City, Isabela at pasahero nito.

Sinabi ni Fronda na dead on arrival sa pagamutan ang apat na sakay ng canter double cab habang dinala sa Cagayan Valley Medical Center dito sa Tuguegarao City ang dalawang sugatan para sa karagdagang medical attention.

Ayon kay Fronda, batay sa initial investigation ng PNP Gattaran, binabaybay ng dalawang sasakyan ang national highway sa Barangay Lapogan, Gattaran sa magkasalungat na direksion nang pumunta umano sa kabilang lane ng kalsada ang elf truck na dahilan ng banggaan.

Sinabi pa ni Fronda na nagtamo din ng matinding pinsala ang dalawang sasakyan dahil sa lakas ng impact ng banggaan.

-- ADVERTISEMENT --

Ang elf truck ay galing ng Navotas at papunta sana sa bayan ng Aparri habang ang canter double cab ay papunta sana ng Tuguegarao City.