Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang batas na nagdedeklara sa buong buwan ng Abril bilang Philippine Veterans’ Month bilang pagkilala sa kabayanihan, sakripisyo, at ambag ng mga beteranong Pilipino sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12320 o Philippine Veterans’ Month Act, isasagawa taun-taon ang mga aktibidad at programa upang gunitain ang serbisyo ng mga beterano at mapanatili ang kanilang pamana para sa mga susunod na henerasyon.

Layunin din ng batas na mapalawak ang kamalayan ng publiko, lalo na ng kabataan, tungkol sa mahalagang papel ng mga beterano sa kasaysayan ng Pilipinas at sa patuloy nilang kontribusyon sa nation-building.

Inaatasan ng batas ang mga ahensya ng pamahalaan, local government units, state universities and colleges, at iba pang sektor na magsagawa ng mga commemorative, educational, at service-oriented activities tuwing Abril.

Mangangasiwa sa pagpapatupad ng programa ang Philippine Veterans Affairs Office katuwang ang Department of National Defense.

-- ADVERTISEMENT --